Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sanya to Rocco: ‘I love you’

Sanya to Rocco: ‘I love you’

rocco-nacino-4-copy-copy

KINILIG ang Kapuso viewers ng “Encantadia” sa eksenang sinabihan ni Danaya (Sanya Lopez) ng “I love you” si Aquil (Rocco Nacino) na itinuro ni Lira (Mikee Quintos). Paulit-ulit ang pagsabi ni Danaya na hindi niya alam ang ibig sabihin. Ginudtaym kasi siya ng pilyang si Lira na iba ang sinabi nitong kahulugan.

Sa original “Encantadia,” iconic scene ’yun na hindi makalimutan ng viewers. Sina Alfred Vargas at Diana Zubiri ang gumanap bilang Aquil at Danaya, respectively. Sa 2016 version ng GMA fantaserye, inabangan ang eksenang ’yun, lalo pa’t nali-link sa isa’t isa sina Rocco at Sanya.

Samantala, may third wheel kina Aquil at Danaya. Si Alira Naswen (Julia Lee) na may lihim na pagtingin kay Aquil.

Nagselos siya kay Danaya sa narinig niyang pag-“I love you” nito kay Aquil. Nag-traydor siya sa mga sang’gre.

Pinuntahan niya si Hagorn (John Arcilla) at itinuro ang kuta ng mga sang’gre.

Tanggap

Ano kaya ang reaction ni Cesar Montano sa magkakasamang picture nina Sunshine Cruz at tatlong anak nilang sina Angelina, Samantha at Cheska with Macky Mathay? Nag-lunch date sila kung saan finally nakilala nang mga ito ang boyfriend ng kanilang mommy Sunshine.

Parang happy family sila na base sa post ng messages ng mga bagets sa social media, boto sila kay Mathay na Tito Macky ang tawag nila. Pinasalamatan nila ito sa kanilang lunch date at sana raw ay magkita silang muli.

Kailan naman kaya makikilala ni Sunshine ang tatlong anak ni Macky sa estranged wife nito? Sana, pati ang three daughters niya’y kasama rin at makapag-bonding sa mga anak ni Macky. Happy lang!

Tahimik

Kung hayagan ang relasyon nina Sunshine Cruz at Macky Mathay, tahimik lang si Cesar Montano sa kanyang lovelife.

Walang confirmation o denial mula sa kanya sa tsikang diumano’y may anak na siya sa isang dating beauty queen. Hindi siya nagpo-post sa social media.

Maybe, ayaw lang ni Cesar pagpistahan ang kanyang lovelife (kung meron man ngayon). Siya pa ba ang mawawalan?

comments