Home » News » News Roundup » Cellphone snatchers arestado

Cellphone snatchers arestado

Dalawang lalaki ang inaresto ng traffic enforcers matapos nilang hablutin ang cellphone ng isang babaeng estudyante na nakasakay sa pampasaherong jeep sa Tondo, Manila, Miyerkules ng hapon.

Kalaboso ang bagsak ng dalawang suspek na nakilalang sina John Pablo Balajadia, 18, and Crizel James Timbol, 19, kapuwa taga Tondo.

Base sa initial investigation, nakasakay si Kathryn Stephanie Castillo, 21, sa isang jeep patungong Monumento nang maganap ang insidente dakong 4:10 p.m..

Ayon sa imbestigador, may sasaguting tawag si Castillo sa kaniyang cellphone nang huminto ang jeep sa Abad Santos Avenue para kumuha ng pasahero.

Sa puntong ito, biglang lumitaw sina Balajadia at Timbol at inagaw ang cellphone ng biktima. Sumigaw si Castillo ng tulong at nakuha ang atensiyon ng mga traffic officers na mabilis namang rumesponde.

Nadakip ng traffic officers ang dalawang snatchers at na-recover sa kanila ang cellphone ng biktima matapos ang maikling habulan. (Analou De Vera)

comments