Home » Entertainment » Feeling Ryza in art

Feeling Ryza in art

ryza-cenon1-copy-copy

PARA sa Kapuso actress at “Starstruck 2” Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon, nailalabas niya ang kanyang mga tinatagong emotions tuwing nakakagawa siya ng kanyang paintings.

Kaya naman isa si Ryza sa sumali at sumuporta sa project ng Kapuso network na Art Gap exhibit kung saan ibinahagi ng aktres ang kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang talento sa pagpinta.

Tatlong paintings ang isasali ni Ryza sa naturang art exhibit at bahagi ng kikitain sa art event na ito ay ido-donate niya sa GMA Kapuso Foundation.

Masaya si Ryza dahil kung sinuman ang makabili ng kanyang artwork ay makikita at mararamdaman ang kanyang pagiging isang artist.

“Matagal na akong fascinated sa art at isa ‘yan sa talent na pinagpursigehan kong i-develop.

“I want to share what I know about art at sa bawa’t piece na gawin ko, nandiyan ang isang parte ng buhay ko,” diin pa niya.

Ibinalita rin ni Ryza na bahagi siya ng bagong teleserye ng GMA-7.

Malapit na siyang magsimulang mag-taping para sa bagong afternoon prime series na “Ika-6 Na Utos” kung saan makakasama niya for the first time sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion.

Si Ryza ang gaganap na other woman sa naturang teleserye na pamumunuan ng award-winning actress-director na si Ms. Laurice Guillen.

Hindi raw ito ang unang pagkakataong gaganap na other woman si Ryza. Naging other woman na siya noon sa teleseryeng “Langit sa Piling Mo” noong 2010.

“Nakaka-intimidate ang co-stars ko sa ‘Ika-6 Na Utos.’ Lalo na po ang direktor namin.

“First time kong to work with Ate Sunshine at Sir Gabby. Pati ba rin with direk Laurice, first time ko rin po.

“Kaya isa po ito sa unforgettable na dramang gagawin ko.

“Ayoko pong mapahiya sa mga kasama ko, kaya I will do my best para magampanan ko nang husto ang role na pinagkatiwala nila sa akin,” pagtapos pa ni Ryza Cenon. (RUEL J. MENDOZA)

comments