Home » Sports » Pascua rules rapid, blitz

Pascua rules rapid, blitz

Pinagharian ni Grandmaster candidate Haridas Pascua ang tampok na Men’s Open Division ng ginanap na Malaysia Rapid and Blitz Chess Championships 2016 sa Universiti Teknologi Petronas sa Ipoh, Perak, Malaysia nitong Nob. 12 at 13.

Binigo ng top seed na 21-anyos mula Pangasinan ang pito at tinablahan ang dalawang iba pang karibal upang pangibabawan ang Open men’s rapid na sinalihan ng 75 players at apat na bansa. (Angie Oredo)

comments