Home » News » News Roundup » Traffic enforcer binaril sa Tondo

Traffic enforcer binaril sa Tondo

Itinumba ng dalawang nakamotorsiklong lalaki ang isang traffic enforcer sa Tondo, Manila, dakong 1:45 a.m. kahapon.

Kinilala ng police ang biktima na si Raffy Madrid, 33, residente ng 42C Simon St., Tondo. Duguan at nakabulagta na si Mardrid nang matagpuan ng kaniyang pamangkin na si Earl Fausteen Mangaliman na na-alerto matapos makarining ng sunod-sunod na putok ng baril habang naglalaro ng computer games.

Nakita rin ni Mangaliman na tumakas ang dalawang salarin sakay ng motorsiklo na walang plate number. Isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival siya dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib.

Inaalam pa ng police ang motibo ng pagpatay sa biktima. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments