Home » Sports » Big races at PRCI

Big races at PRCI

Wala na naman akong nabi-ling programa ditto sa aming lugar kaya dumako na lang muna tayo sa mga malalaking racing events na itatanghal bukas dito sa Santa Ana Park.

Pangunahin na dito ay ang P1.5 Million 4th Leg Juvenille Fillies Stakes Race at P1.5 Million 4th Leg Juvenille Colts stakes race.

Ang three entries sa Juvenille Fillies ay ang Bossa Nova ni H.S. Esquerra, White Chocolate ni P.P. Uy at Smokin Saturday ni R.G. Inigo.

Magpapanagupa naman sa 4th Leg Juvenille Colts stakes ay ang Indiana Sky ni J.C. Dyhengco, Biglang Buhos ng stony Road Horse, Alfie ni J.A.C. Dischaves at Sepfourteen ng Stockyfarm Inc.

Parehong itatakbo sa layung 1,600 Meters, ang 1st placers dito ay tatanggap ng P900,000, at second to fourth placers naman ay P337,500, P187,500 at P75,000, respectively.

Ang tatlong entries naman sa P630,000 MARHO Cup, Philracom 2YO Juvenille Colts ay ang Batang Lapaz ni A.L. Neri, Stravinsky ni N.O. Morales at Changes ni J.M. Lapuz.

Nakasalang lang dito bukas ay ang “Santa Ana Park 3YO Coltmile’’ na may guaranteed P630,000.

Ang P1.Million Grand Sprint Championship ng sponsoring Philracom ay paglalaban – laban ng couple entry Hugo Bozz at Don Albertini ni M.O. Morales, Malaya na Benhur Abalos at Benhur.

So there, see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta. (Johnny Decena)

comments