Home » News » News Roundup » Lalaki dedo sa motorcycle riders

Lalaki dedo sa motorcycle riders

Patay ang isang dating drug user nang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Quezon City nitong Huwebes ng hapon.

Isang three-year-old girl ang malubhang nasugatan nang tamaan ng ligaw na bala sa nasabing insidente. Kinilala ng police ang napatay na biktima na si Rommel dela Cruz, 40, residente ng Country Homes, Barangay Bagong Silangan.

Kasalukuyan namang nagpapagaling si Brienna Duazo, 3, sa East Avenue Medical Center. Tinamaan siya ng ligaw na bala sa kanang paa nang barilin ng mga salarin si Dela Cruz.

Base sa CCTV footage ng barangay, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang umataki kay Dela Cruz na noo’y nakatayo sa labas ng Sulyap ng Pag-asa Compound sa Geronimo Street bandang 5:30 p.m.

Sinabi ng asawa ni Dela Cruz sa police investigators na dating drug user ang biktima. Patuloy pa ang pagsisiyasat ng pulisya sa insidente. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments