Home » Entertainment » Dina Bonnevie returns as contravida

Dina Bonnevie returns as contravida

dina-bonnevie-copy-copy

NAGBABALIK nga ulit sa primetime television ng Kapuso network ang award-winning actress na si Dina Bonnevie pagkatapos siyang mapanood last year sa “Beautiful Strangers.”

Ngayon ay lumabas na ang character niya sa top-rating primetime teleserye ng GMA-7 na “Alyas Robin Hood.”

Gaganap si La Bonnevie bilang Mother Daisy at kontrabida ang papel niya rito.

“It’s an off-beat role for me and I welcome it.

“I like playing complex characters especially after I did ‘Beautiful Strangers’ last year.

“This is the first time that I will get to work with Dingdong Dantes, tapos kontrabida pa niya ako. As in, papahirapan ko siya rito.

“It’s something different for me kaya panoorin nila itong show,” pag-anyaya pa ni Ms. D.

Excited din si Dina na muling makatrabaho ang mga kasabayan niya noong ’80s and ’90s sa paggawa ng mga pelikula na sina Jaclyn Jose at Cherie Gil.

“It would be fine I guess, kasi ‘di ba sila ‘yung mga dati mong kasama tapos ngayon makakasalamuha mo ulit sila?

“Like si Jaclyn, I’ve worked with her sa mga unforgettable dramatic films ko with Viva Films like ‘Magdusa Ka’ and ‘Alabok sa Ulap’.

“And with Cherie naman, we shared so many movies together like ‘Sana’y Wala Nang Wakas,’ ‘Huwag Mong Itanong Kung Bakit?,’ ‘Ang Babaeng Nawawala sa Sarili’. So many movies na ginawa namin. Plus Cherie is a personal friend as well,” sey pa niya.

Inspired magtrabaho ulit si Ms. D dahil sa bagong apo niya. Happy si Dina kapag napag-uusapan ang kanyang mga apo na si Marvic Valentine na ikaapat na anak ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto.

“Ang cute-cute! Siyempre puwede ba namang ‘di maging cute, eh ang ganda-ganda ng nanay at ang guwapo-guwapo ng tatay.

“Siyempre sana naman ay may namana sa lola.

“I am a proud lola and I am not afraid to say na lola na ako.

“I love all my grandchildren and they keep me young at heart kapag binibisita nila ako sa bahay,” pagtatapos pa Dina Bonnevie. (Ruel J. Mendoza)

comments