Home » News » News Roundup » Sumukong drug user patay sa motorcycle riders

Sumukong drug user patay sa motorcycle riders

Isang suspected drug user na dalawang beses nang sumuko sa mga awtoridad sa pamamagitan ng Oplan Tokhang ang binaril at napatay ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Pasay City noong Sabado.

Ayon sa police, si Alexander Blanco alias “Oyett”, 48, ang 12th victim na napatay ng mga nakamotorsiklong kalalakihan sa loob lamang ng isang linggo. Sumuko siya mga miyembro ng CCP Complex Police Community Precinct (PCP) noong nakaraang Agosto at Setyembre.

Base sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa harap ng kaniyang bahay bandang 12:40 a.m. nang paulanan siya ng bala ng dalawang lalaki.

Sinabi nina PO3 Henry Manong and PO3 Robinson Alsol, case investigators, halos 14 na putok ng baril ang narinig ng mga kapitbahay bago nakita nilang tumakas ang dalawang aramadong lalaki na nakamaskara at naka-helmet sakay ng motorsiklong walang plaka.

Ayon sa isa sa mga kapitbahay ng biktima, kasalukuyang sumisinghot ng shabu ang ilang kalalakihan sa loob ng bahay ni Blanco nang siya’y mapatay. (Martin A. Sadongdong)

comments