Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pancho di kayang panoorin ang kissing scenes ni Max

Pancho di kayang panoorin ang kissing scenes ni Max

max-collins1-copy-copy

NASA marrying age na si Pancho Magno. He’s 30 years old at handa nang mag-asawa. Napag-uusapan na nila ni Max Collins ang pagpapakasal. She’s 24 years old, pero ani Pancho nang nakausap namin sa taping ng “Encantadia,” mukhang ayaw pa ni Max mag-asawa. Marami pa raw itong gustong gawin at mas tutok muna ito sa career.

Super close ang family nina Pancho at aniya, parati silang nagre-reunion at kasama na roon si Max. Family member na ang turing sa kanyang girlfriend of four years.

Inamin ni Pancho na nagseselos siya kapag may kissing scene si Max kay Tom Rodriguez sa “Someone to Watch over Me” kaya hindi siya nanonood. “Hindi ko kaya, naiilang ako,” he said.

Sobrang saya naman si Pancho na bahagi siya ng “Encantadia.” Nag-e-enjoy siya sa fight scenes na kung minsa’y hindi maiwasang nagkakasakitan sila.

Faithful BF

Bahagi ng “Encantadia” si Rodjun Cruz na gumaganap bilang malaking Pao Pao. Si Yuan Francisco ang batang Pao Pao.

Naging kontrabida na ang karakter niya at pumanig na siya kay Hagorn (John Arcilla) sa paglaban sa mga sang’gre. Wish ni Rodjun na magtagal pa siya sa “Encantadia.”

Nine years na sila ng girlfriend niyang si Diane Medina. Kailan sila magpapakasal? “Mag-iipon muna,” ani Rodjun, 29 years old. Diane is 30.

Hindi ba sila nagkakasawaan? “Mahal na mahal ko siya, nadadagdagan ’yun araw-araw. Araw-araw, gumaganda siya sa paningin ko,” ani Rodjun.

Aniya, hindi na siya naa-attract sa ibang babae kahit ano’ng ganda pa nito. “Si Lord ang center ng aming relasyon.

Ipinagdarasal ko parati na kami ni Diane ang magkatuluyan,” wika ni Rodjun.

Masuwerte si Diane sa pagkakaroon ng faithful boyfriend.

Di expected

Buntis pala si Diana Zubiri sa kanyang second baby nang alukin siya ni direk Mark Reyes na isama sa “Encantadia.”

Baby girl ito sa second husband niyang si Andy Smith. Namatay a few years ago ang first husband ni Diana dahil sa lung cancer. May isa silang anak na lalaki.

Hinintay lang na makapanganak si Diana and after two months, nag-workout muna siya bago nag-taping. Siya ang gumaganap bilang Lila Sari.

Aniya, hindi niya ine-expect na makakasama siya sa requel ng “Encantadia.” Noong mga unang araw ng taping niya, may ilang factor sa mga bagets na co-stars niya. Nag-adjust sila sa isa’t isa. Eventually, nagamay na nila ang pagtatrabaho sa isa’t isa.

Happy si Diana na muling nagkatrabaho sila ni direk Mark Reyes.

comments