Home » News » News Roundup » Drug suspect patay sa shootout

Drug suspect patay sa shootout

Isang hinihinalang drug pusher ang napatay nang manlaban umano sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Navotas City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ng police ang napaslang na suspek na si Christian Nofable, 34, ng North Bay Boulevard South, Navotas.

Base sa investigation, napatay si Nofable matapos magbenta ng shabu sa undercover operative ng Navotas Police malapit sa C-3 Bridge sa Barangay North Bay Boulevard South dakong 11:25 p.m. (Jel Santos)

comments