Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Honeymooners’ in Amsterdam

‘Honeymooners’ in Amsterdam

dennis-and-jen-foto-copy-copy

NABABADUYAN si Gabbi Garcia na may escort siya sa kanyang debut party, kaya wala siyang kinuha. She’s turning 18 on Dec. 2 pero ang kanyang debut party tagged as #Sincerely Gabbi ay gaganapin on Dec. 6 sa Marriott Hotel.

Walang traditional cotillion pero merong 18 roses, 18 candles at 18 treasures. Kasama sa 18 roses ang “Encantadia” co-stars niyang sina Ruru Madrid, Pancho Magno at Carlo Gonzales, fellow Kapuso stars na sina Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Alden Richards, among others.

Sa 18 candles at treasures, kasama sina Thea Tolentino, Julia Barretto, Ai-Ai de las Alas, Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Willie Revillame at iba pang Kapuso stars.

Tatlo ang gown ni Gabbi na ’yung dalawa’y gawa ni Mark Bumgarner at ’yung pang-after party ay gawa naman ni Martin Bautista.

“I want it to be a night where all my loved ones are present. Ayokong masyadong traditional. I want to have the typical 18’s but not strictly going by the rules. I just want to spend a fun night with all the special people in my life,” lahad ni Gabbi.

Wala na

Sorry na lang sa fans nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na nagwi-wish ipasok sa “Encantadia” si Aljur. Ayon kay direk Mark Reyes, wala nang ibang karakter na ipapasok kahit extended pa ito hanggang February 2017.

Aniya, hindi na aabot, maliban nalang kung mae-extend pa ito hanggang April 2017. Magtatapos na ang Book One sa December at papasok ang Book Two mula January hanggang February.

Magte-take off ang “Mulawin” sa ending ng “Encantadia.” Gusto sanang mag-audition ni Ruru Madrid para sa “Mulawin” pero hindi pwede dahil kasama na siya sa “Encantadia.”

Anyway, may pakontest ang “Encantadia” para sa Enkantadiks. Gumawa lang ng video na may kinalaman sa “Encantadia” at ang mananalo ay tatanggap ng P50,000. Sa Nov. 28 ang deadline ng submission. For more details, mag-log on sa encantadia.com.ph/fanfiction.

Honeymooners

Kasal na lang ang kulang kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Hayagan na ang kanilang relasyon at mistulang “honeymooners” sila sa bakasyon nila sa Amsterdam.

Panay ang post nila sa social media ng kanilang sweet photos. At least, nababawasan ang lungkot at pagdadalamhati ni Jen sa pagkamatay ng kanyang mommy Lydia. Karamay niya si Dennis na never siyang pinabayaan simula noong namatay ang kinikilalang ina ni Jen.

Kailan kaya ang wedding bells for Jen and Dennis? ’Yan ang inaabangan ng kanilang fans.

comments