Home » News » News Roundup » ‘Salvage’ victim natagpuan

‘Salvage’ victim natagpuan

Isang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Sta. Mesa, Manila, dakong 9:45 p.m. nitong Lunes. Ayon kay detective Glenzor Vallejo ng Manila Police District homicide section, nakita ang bangkay ng hindi kilalang lalaki malapit sa Maui Oasis Condominium sa Anonas Street.

May tama ng bala sa ulo ang biktima, nakatali ng cable wire ang mga kamay, nasa 30 hanggang 35 ang edad, may taas na 5’6”, at nakasuot ng violet na t-shirt at maong pants.

Na-recover sa katawan ng bangkay ang isang sachet ng shabu, at isang piraso ng bond paper na may nakasulat na “Sorry po sinira ko ang sarili ko sa droga. Sorry po talaga sa pagiging pusher ko”, base sa police report. (Analou De Vera)

comments