Home » News » News Roundup » 2 ‘tulak’ napatay sa drug bust

2 ‘tulak’ napatay sa drug bust

Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga nang manlaban umano sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Sta. Ana, Manila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Sta. Ana Police Hospital sina Dante Radas at alyas “Ronald Kalbo” matapos na mabaril ng mga pulis sa loob ng kanilang bahay sa Road 4, Fabie Estate, dakong 1:45 p.m.

Naganap ang insidente matapos na makapagbenta ang P500 halaga ng shabu sa isang undercover cop, ayon kay SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District homicide section.

Na-recover sa crime scene ang pitong sachets ng shabu, limang pakete ng marijuana, dalawang sumpak, isang .38-caliber revolver, at ang marked money na ginamit sa operation. (Analou de Vera)

comments