Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jean hanga kay Richard

Jean hanga kay Richard

25richard-and-jean-copy-copy

HINDI man nakasali sa 2016 Metro Manila Film Festival ang “Mano Po 7: Chinoy,” magkakaroon pa rin ng parade ang buong cast nito, ayon sa Regal Entertainment producers na sina Mother Lily and daughter Roselle Monteverde.

Sa Dec. 14 ang showing nito at may premiere night sa Dec. 9 sa SM Megamall cinema. Shot mostly sa magagandang lugar sa Taiwan ang “MP7: Chinoy” at ito ang biggest at grandest millennial edition. Ipinakita sa movie ang iba’t ibang Chinese tradition na hindi pa nakita sa mga nakaraang editions ng MP. Makikita rin dito ang conflict sa married life ng isang Chinese at isang Pinoy.

Ang Chinoy actor na si Richard Yap ang binigyan ng malaking break sa “MP7: Chinoy” pagdating sa family drama. Isa siyang business tycoon na over protective at mahigpit sa pamilya. Si Jean Garcia ang pumapapel bilang asawa niya at mga anak nila sina Enchong Dee, Janella Salvador at Jana Agoncillo.

Ani Jean sa presscon ng “MP7: Chinoy,” pinahanga siya ni Richard sa husay nito sa drama scenes. “Pwede pala siya sa drama. Nasanay kasi siya sa romcom. Workshop pa lang, pinahanga na niya ako,” anang aktres.

Nalungkot

Asked Richard Yap kung hindi ba siya napi-pressure dahil siya ang magdadala sa “MP7: Chinoy.” “Ayokong isipin ang pressure. I just did my best to portray the role that was given to me. So, hopefully, it would be good enough for the audience. Kahit hindi nakasali ang movie namin sa MMFF, hopefully, marami pa rin ang manonood and it will do well pa rin sa takilya,” ani Richard.

Nalungkot siyang nalaglag ang “MP7: Chinoy” sa MMFF dahil ginawa nila ang lahat para maging worthy entry ito sana sa nasabing festival. Wala naman silang magagawa dahil desisyon ’yun ng filmfest screening committee. “We just have to live with it and do our best by showing this before the MMFF,” he said.

Reunited

Reunited sina Janella Salvador at Marlo Mortel sa “MP7: Chinoy.” Anila, na-miss nila ang pagtatrabaho sa isa’t isa.

Dati silang magka-love team sa mga TV show na pinagsamahan nila.

Nagkahiwalay sila nang ipareha si Janella kay Elmo Magalona at mukhang ipinu-push ng ABS-CBN ang kanilang love team.

“Naiwan ako,” sabi ni Marlo. “May separate careers na kami ngayon and we’re both doing well.”

Happy naman si Janella na muli silang nagkatrabaho ni Marlo. Away-bati ang mga eksena nila sa “MP7:Chinoy.” Directed by Ian Lorenos, tampok din sina Jake Cuenca, Jessy Mendiola at Kean Cipriano.

comments