Home » News » News Roundup » Babae todas sa gunman

Babae todas sa gunman

Binaril at namatay ang isang 35-taong gulang na babae sa harap ng kanyang anak sa Tondo, Manila noong Biyernes.
Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Blesa Pugal ng Prudencio St., Tondo.

Ayon sa investigation, naguusap ang biktima at kanyang anak sa harap ng kanilang bahay nang dumaan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Bumalik ang suspek makalipas ang ilang minuto at binaril ang biktima sa mukha.

Binantaan ng suspek ang anak ng biktima at tumakas patungong G. Perfecto corner Mercado Sts. na kung saan may isang motorsiklo na may nakasakay na lalaki ang naghihintay sa kanya.

Dinala ang biktima sa Mary Johnston Hospital sa Manila kung saan siya binawian ng buhay.

Ang suspek ay tinatayang 28- to 30-years-old, 5 feet tall, medium built, at nakasuot ng jacket na may tatak na “Nazareno” at maong pants.

Masusing iniimbestigahan ng mga police ang insidente. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments