Home » News » News Roundup » Drug suspect patay sa 6 na hitmen

Drug suspect patay sa 6 na hitmen

Itinumba ng anim na nakamotorsiklong lalaki ang isang hinihinalang drug user sa Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Patay na nang matagpuan si Jonald Campo, 31, sa harapan ng bahay ng isang kapitbahay sa Phase 3, Block 7, Barangay Payatas B, bandang 8:30 p.m..

Ayon kay Pervin Roma, pinsan ng biktima, nakarining siya ng sunod-sunod na putok ng baril bago niya natagpuan si Campo na duguan dahil sa dami ng tami ng bala sa katawan.

Nakasuot ng helmets, bonnets at jackets ang hitmen. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments