Home » News » News Roundup » 3 pushers patay sa shootout

3 pushers patay sa shootout

Patay ang tatlong hinihinalang drug pushers nang manlaban umano sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa loob na Navotas Fish Port, Lunes ng gabi.

Kinilala ng police ang mga napatay na sina Zosimo “Jun” Miñuzo, 45; Alan Uba, 39; at Jayson Miñuzo, 34, mga nakitira lamang sa Navotas Fish Port.

Naganap ang shootout matapos na makapagbenta ng shabu ang tatlong suspek sa isang undercover operative sa loob ng fish port bandang 6:30 p.m, ayon kay Navotas Police chief Sr. Supt. Dante Novicio.

Base sa police report, biglang pinaputukan ng tatlong suspek ang mga police operatives nang aktong aarestuhin na sila.

Napilitang gumanti ang mga pulis at napatay ang tatlo.

Nakumpiska sa kanila ang dalawang .45-caliber pistols, isang .38-caliber revolver, walong pakete ng shabu, isang digital weighing scale, at drug paraphernalia. (Jel Santos)

comments