Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Paolo ayaw pumatol sa intriga

Paolo ayaw pumatol sa intriga

alden-maine-2-copy-copy

AYAW patulan ni Paolo Ballesteros ang pang-iintriga ng entertainment writers noong presscon ng “Enteng Kabisote 10 and The Abangers” tungkol sa kanila ni Vice Ganda. Sabay ang showing today ng kanilang mga pelikulang nalaglag sa 2016 Metro Manila Film Festival.

“Super Parental Guardians” ang kay Vice with Coco Martin. Si Vic Sotto naman ang kasama ni Paolo sa “EK 10 and The Abangers.”

Nakapasok naman sa Magic 8 ang “Die Beautiful” ni Paolo, kaya meron pa rin siyang filmfest entry at makaka-join siya sa Parade of Stars.

Nanalong Best Actor si Paolo sa Tokyo International Film Festival para sa naturang movie. Posibleng manalo rin siya sa MMFF.

Ani Paolo, huwag na silang pagtapatin ni Vice. Trabaho lang ang ginagawa nila at pareho nilang pinagbubuti. Okey naman sila ni Vice at nagbabatian sila kapag nagkikita by chance.

Suportado

Special participation lang sina Alden Richards at Maine Mendoza sa “EK 10 and The Abangers.” Nangako naman ang AlDub fans na susuportahan pa rin nila ang movie.

Kung hindi sana ito nalaglag sa MMFF, baka mag-join sa Parade of Stars sina Alden at Maine bilang suporta kay Vic Sotto na main bida ng “EK 10 and The Abangers.” Panghatak din sana ng crowd sina Alden at Maine.

In any case, kahit napaaga ang showing ng movie, umaasa pa rin si Vic at ang buong cast na marami pa ring manonood nito. Hopefully, ma-extend ang showing sa provincial theaters.

Opposite

Exact opposite ng karakter ni Glaiza de Castro bilang Pirena sa “Encantadia” ang aktres sa tunay na buhay. Off-camera, soft-spoken, mabait at mamahalin mo si Glaiza. Walang kaere-ere sa katawan at laging mapagkumbaba.

Aniya, siya mismo’y naiinis sa karakter niya bilang Pirena. Ang sama-sama kasi ng karakter niya. Parang ayaw na niyang ipagpatuloy ang kanyang karakter noong nabasa niya ang script. Lalo siyang sasama sa naturang GMA fantaserye.

Extended hanggang February 2017 ang “Encantadia.” Ano’ng malay natin, baka magkaroon ng twist sa karakter ni Pirena?

Honeymooners

Kung sa Phuket, Thailand nagbakasyon sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na mistulang honeymooners doon, sa Europe naman nagbakasyon sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na mistula ring honeymooners doon.

Nagpunta sila sa Amsterdam at Paris. Post kung post sila sa social media ng kanilang pictures together. Ang latest post kasama ang “baby” nilang pet dog na si Conor Mercado ay nagmistulang family picture.

Tanong ng DenJen fans, kailan naman sila magkakaroon ng tunay nilang baby?

comments