Home » News » News Roundup » Sumukong drug suspect todas

Sumukong drug suspect todas

Isang lalaki na sumuko kamakailan sa “Oplan Tokhang” ang binaril at napatay sa harap ng kaniyang asawa sa Quezon City dakong 12:45 a.m. kahapon.

Dead on the spot si Roderick Buenavidez, 26, matapos na tadtarin ng bala ng isang hindi kilalag salarin sa harapan ng kaniyang bahay sa Dear St., Don Fabian, Barangay Commonwealth.

Sinabi ng asawa ng biktima na si Vinnice Buenavidez na nasa loob siya ng bahay nang makarining siya ng sunod-sunod na putok ng baril sa labas na nasundan ng pagdaing ng tao.

Nang buksan niya ang pintuan para alamin kung anong nangyari, nakita ni Vinnice ang kanyang asawa na binabaril ng isang lalaking nakasuot ng sombrero at may nakatakip ng panyo ang mukha. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments