Home » News » News Roundup » Drug pusher pinatay sa harap ng anak

Drug pusher pinatay sa harap ng anak

Isang hinihinalang drug pusher ang pinagbabaril hanggang sa mamatay ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa harap mismo ng kaniyang limang taong gulang na anak na lalaki sa Pasay City noon Martes ng gabi.

Kinilala ng Pasay City Police ang napatay na drug suspect na si Danilo Bolante, 48, residente ng Brgy. 191, Zone 20.

Ayon sa police, nakamaskara at nakahelmet ang mga salarin na tumakas sakay ng dalawang motorsiklong walang plaka.

Base sa police report, nagpapahinga si Bolante sa loob ng kanyang bahay dakong 9:55 p.m. nang biglang pumasok ang dalawa sa apat na suspek at pinaulanan siya ng bala. Napaiyak ang bata nang makita ang pagpatay sa ama.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang hitmen sakay ng dalawang motorsiklo na minamaneho ng dalawang kasamahan patungong Elliptical Road. (Martin A. Sadongdong)

comments