Home » Headlines » 200 bahay nasunog

200 bahay nasunog

Tinatayang 200 bahay ang natupok sa sunog sa Barangay Duljo-Fatima, Cebu City Huwebes ng gabi.

Dalawang bumbero at pitong residente ang nasugatan sa sunog.

Sinabi ng Cebu City Fire Department na nagsimula ang sunog bago mag-hatinggabi at under control pasado 1 a.m. Tuluyang naapula ang sunog bago mag-6:30 a.m.

Nagkaroon ng tensyon ng magpaputok umano ng baril ang ilang mga residente upang pilitin ang mga bumbero na unahing isalba ang kanilang mga nasusunog na bahay. (Mars W. Mosqueda Jr.)

comments