Home » Entertainment » Barbie gets star on Walk of Fame

Barbie gets star on Walk of Fame

BAGO matapos ang 2016, masayang-masaya ang Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza dahil sa mga blessings na dumating sa kanyang career sa showbiz.

Sa movies ay nabigyan ng parangal si Barbie sa kanyang mga ginawang indie films tulad ng “Mariquina” at “Laut.”

Natupad din ang isang wish niyang makasama ang Superstar Nora Aunor sa isang movie titled “Tuos.”

Sa TV, bukod sa pag-host at pagpapatawa sa “Sunday PinaSaya,” sisimulan na niya ang taping para sa bago niyang pagbibidahang teleserye titled “Meant to Be” kung saan magiging leading men niya ay apat na guwapong Kapuso actors:

Ken Chan, Jake Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner.

Noong nakaraang Dec. 1, natupad din ang isang kahilingan ni Barbie na magkaroon na siya ng sarili niyang “star” sa Eastwood’s Walk of Fame.

Kinumpara ni Barbie ang pagkakaroon niya ng star sa Walk of Fame sa pagkakaroon ng star noong nag-aaral pa siya.

“Kapag very good ang isang bata sa school, lagi niyang pinapakita sa magulang niya at sinasabing, ‘May star po ako.’
“Pero ako, ang sasabihin ko na sa pamilya ko ngayon ay ‘May Walk of Fame Star na ako!” tawa pa niya.

Para maging inspirasyon si Barbie ng iba pang kabataan, nagpursige ulit itong bumalik sa school para matapos ang college course na gusto niya.

Isang paraan daw iyon ni Barbie ng kanyang pasasalamat sa mga taong walang sawa na sinusuportahan siya simula noong mag-start siya sa edad na 12 years old sa teleseryeng “Stairway to Heaven.” (Ruel J. Mendoza)

comments