Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Friends lang kaya?

Friends lang kaya?

6barbie-copy

ISA sa mga inductees si Barbie Forteza sa ginanap na Walk of Fame sa Eastwood, QC. Anang Kapuso tweenstar, masasabi na niya sa kanyang pamilya na “May Walk of Fame star na po ako ngayon.”

Maraming celebrities ang nag-aasam na mapabilang sila sa Walk of Fame na pinasimulan ng yumaong Master Showman na si German Moreno na mas kilalabilang kuya Germs.

Ipinagpapatuloy ito ngayon ng anak niyang si Federico Moreno. Thankful si Barbie na naisama agad siya sa Walk of Fame. Nangako siyang mas lalo niyang pagbubutihin ang kanyang craft bilang isang aktres at maging isang magandang halimbawa sa kanyang audience.

“Salamat sa mga taong sumusuporta at patuloy na naniniwala sa akin. Napakasarap sa pakiramdam bilang isang aktres na mag-iiwan ako ng mark sa mga taong hinding-hindi nila malilimutan,” ani Barbie.

Debut party

Mamayang gabi na ang pinakahihintay ni Gabbi Garcia na debut party niya sa Marriott Hotel tagged as “#Sincerely Gabbi.” Isang taon niyang pinagplanuhan ito at excited na siya sa mga magiging kaganapan.

Tatlo ang gown ni Gabbi na dalawa rito’y likha ni Mark Bumgarner. Ang pang-after party gown ay creation naman ni Martin Bautista. Excited na siyang isuot ang green Serpentina gown na si Bumgarner ang designer.

Ani Gabbi, green ang pinili niyang color dahil simbolo ito ng tagumpay. Besides, napamahal na sa kanya ang karakter niya bilang Alena sa “Encantadia” na color green ang costume.

Karamihan sa kanyang co-stars sa “Encantadia” ay may participation sa debut party ni Gabbi. Ang iba namang kapuwa niya Kapuso stars ay magpe-perform sa inihandang programa. “Simple, sincere at intimate ang party na minimalist lang ang theme,” ani Gabbi.

Friends

Hinihintay ang sasabihin naman ni Rocco Nacino kaugnay ng pagli-link sa kanila ni Arianne Bautista. Nag-deny na ang huli na nagsabing friends lang sila ni Rocco. Walang “something” na namamagitan between them.

Business partners lang daw sila sa Backyard Kitchen & Brew restaurant sa BGC. Ang co-stars ni Rocco sa “Encantadia” na sina Pancho Magno at Sanya Lopez ang nagbuking sa press na may Kapuso star na idine-date si Rocco. Napag-alamang si Arianne pala ’yun.

May lumabas na photo na magkakasama sina Rocco, Arianne, Mark Herras at Winwyn Marquez na nasa isang boat. Nag-whaleshark hunting sila sa Oslob sa Cebu. Parang nag-double date.

Abang-abang nalang kung mauuwi sa more than friends ang relasyon nina Arianne at Rocco kahit sinasabi pa nilang friends lang sila.

comments