Home » Headlines » LGUs hinimok na tumulong sa firecrackers ban

LGUs hinimok na tumulong sa firecrackers ban

Maglunlunsad ng shame campaign ang Department of Health (DoH) laban sa local government units (LGUs) na hindi makikipagtulungan sa kampanya laban sa firecrackers.

Sa isang press conference, sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na papangalanan nila ang LGUs na hindi tutulong sa pagre-regulate ng mga paputok sa kanilang lugar at magtatalaga ng area para sa community fireworks display.

“On Jan. 5 (2017) we will come here together and we will show you the statistics of the LGUs which did not help in our campaign. These are usually the LGUs with the most number of injuries,” pahayag ni Ubial sa araw ng paglulunsad ng anti-firecrackers campaign sa Manila kahapon.

“We will leave it to the President on what will be done to them,” dagdag pa niya. (Samuel P. Medenilla)

comments