Home » Entertainment » Sunshine not dropping case against ex-husband

Sunshine not dropping case against ex-husband

sunshine-dizon-copy-copy

NEVER daw naisip ni Sunshine Dizon na muli niyang makakasama sa isang project si Gabby Concepcion after 27 years.

Unang nakatrabaho ni Sunshine si Gabby noong 1989 sa horror flick ng Regal Films na “Huwag Kang Hahalik sa Diablo.”

“I was like 10 years old that time. Noong una kong makita si Kuya Gabby sa set, ang guwapo niya talaga.

“Ako na ang magsasabing he hasn’t aged a bit. Guwapo pa rin and it never really came to me na one day magiging leading man ko siya.

“Imagine noon pinagtataguan ko lang siya dahil devil siya sa movie, ngayon asawa ko na ngayon si Kuya Gabby. Parang unbelievable,” masayang kuwento pa ni Sunshine.

May malaking hawig sa personal na buhay ni Sunshine ang kuwento ng teleseryeng “Ika-6 Na Utos.”

Dumaraan ang aktres ngayon sa isang annulment case para mapawalang-bisa ang kasal nito sa estranged husband na si Timothy Tan na nahuli niyang may other woman.

Gano’n din ang kuwento sa “Ika-6 Na Utos” kaya may kurot daw ito kay Sunshine.

“Kaya I have to relive a few scenes here that actually happened in real life.

“But I can handle it and I am happy to be working for the first time with direk Laurice Guillen.

“I am happy na dinidirek na niya and ready ako sa mga mas mahihirap pang eksena sa teleserye namin,” diin pa ni Sunshine.

Nilinaw ni Sunshine na walang katotohanan ang bali-balitang hindi na niya itutuloy ang kaso laban sa mister kahit na in good terms na sila.

“We’re just being civil with each other for the sake of our children.

“Itutuloy ko pa rin ang kaso kasi gusto kong maintindihan ng babae niya ang meaning ng ika-6 na utos, na huwag kang makiapid sa hindi mo asawa.

“But I’m moving on. The pain will always be there, but you can do other things to ease the pain.

“I’m thankful to GMA for giving me this project kasi maraming maituturo sa mga mag-asawa.” (RUEL J. MENDOZA)

comments