Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Paolo not expecting MMFF best actor win

Paolo not expecting MMFF best actor win

7janella-and-company-foto-copy

HINDI nag-e-expect si Paolo Ballesteros na mananalo siya ng best actor (or actress?) award sa 2016 Metro Manila Film Festival. Entry rito ang “Die Beautiful” na siya ang bida. Hinirang siyang best actor para sa nasabing pelikula sa Tokyo International Film Festival.

Sa Dec. 29 ang Awards Night na gaganapin sa Kia Theater. Joke ni Paolo, gusto lang niyang manalo bilang best in long gown. Aniya, happy na siya kung maa-appreciate ng moviegoers ang “Die Beautiful.” Isang transsexual ang role niya bilang Tricia.

Sa December 23 ang Parade of Stars na magsisimula sa Luneta grounds at magtatapos sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila.

Directed by Jun Lana, released by Regal Entertainment ang “Die Beautiful.”

Tuloy

Tuloy ang parade ng “Mano Po 7: Chinoy” cast sa Dec. 9, bago ang premiere night nito kinagabihan. Magsisimula ang parade sa SM Megamall Fashion Hall (EDSA entrance) at 5 p.m.

Pre-Christmas treat ito ng Regal Entertainment. Regular showing on Dec. 14 sa mga sinehan nationwide.

Lead male star ng “MP7: Chinoy” si Richard Yap at si Jean Garcia ang gumaganap bilang asawa niya. Ironical na wala silang kissing scene. Crush pa naman ni Richard si Jean mula noong i-launch ang aktres sa pelikulang “Impaktita.”

Kay Jake Cuenca may kissing scene si Jean dahil nagkaroon sila ng extra-marital affair sa “MP7.” Tampok din sa nasabing pelikula sina Jessy Mendiola, Enchong Dee, Kean Cipriano, Janella Salvador, Marlo Mortel at Eric Quizon. Directed by Ian Lorenos.

Birthday treat

Mahilig sakalin nang pabiro ni Luis Manzano si Jessy Mendiola, kaya Chokie ang tawag ng huli sa kanyang boyfriend.

Mahilig naman niyang chop-chopin na may kasamang lambing ang face ni Luis, kaya Chopie ang tawag nito sa girlfriend.

Birthday ni Jessy noong Dec. 3, kaya treat sa kanya ni Luis ang bakasyon nila sa Phuket, Thailand. She turned 23, 35 years old naman si Luis. Akala ba namin, gusto ni Luis maging private kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Jessy?

Bakit panay ang post nila ng kanilang photos sa social media?

Hati

Huwag naman seryosohin ng fans ang pagiging malapit ni Ruru Madrid bilang Ybarro/Ybrahim kina Kylie Padilla (Amihan) at Gabbi Garcia (Alena) sa “Encantadia.” Nahati ang fans, Team Ybarro/Ybrahim-Amihan at Team Ybarro/Ybrahim-Alena.

Huwag mag-away ang magkabilang team dahil sa naturang fantaserye lang naguguluhan ang karakter ni Ruru kung sino kina Kylie at Gabbi ang mas matimbang sa puso niya.

In real life, si Gabbi ang love ni Ruru. Si Kylie naman, merong Aljur Abrenica. Everybody happy na lang.

comments