Home » News » News Roundup » Seaman nakitang patay sa tugboat

Seaman nakitang patay sa tugboat

Natagpuang patay ang isang seaman sa cabin room ng isang tugboat na nakadaong sa Pier 12, Berth 5 Moriones in Tondo, Manila, noong Lunes ng umaga.

Sinabi ng mga imbestigador na wala nang buhay si Enrily Parangue, 37, nang matagpuan bandang 10:40 a.m. sa loob ng cabin room ng Chyna Tugboat.

Walang nakitang anumang sugat sa katawan ang biktima. Napag-alaman na second engineer employee si Parangue sa Oceanic Container Lines.

Siya ay mula sa San Carlos Cuyo, Palawan City. Base sa inisyal na imbestigasyon, huling nakitang buhay si Parangue hatinggabi ng Lunes habang nanonood ng television program kasama ang ilang ka-trabaho sa cabin room.

Natagpuan ni Chief Engineer Melvin Eder ang bangkay ni Parangue nang puntahan niya ang huli sa kuwarto dahil hindi siya nagreport para sa kanyang duty na karaniwang nagsisumula ng 8 a.m. (Analou de Vera)

comments