Home » Entertainment » Geoff’s current girlfriend approved by his family

Geoff’s current girlfriend approved by his family

8geoff-and-maya-copy

TEN months na ang relasyon ni Geoff Eigenmann sa singer na si Maya (Mae Flores in real life).

Getting stronger daw ang pagsasama nila at parating kasama ni Geoff si Maya sa ilang mga showbiz event. Kitang-kita na proud ito sa kanyang singer-girlfriend.

Ayon kay Maya, maayos ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Geoff, lalo na ang ina nitong si Ms. Gina Alajar.

“Ang bait po nila sa akin. Si Tita Gina, she’s so cool. Mabilis niya akong winelcome sa pamilya nila.

“Noong time na pinakilala ako ni Geoff sa kanya, kinabahan ako. Kasi si Ms. Gina Alajar ’yan. Napakahusay na actress.

“Pero I already felt her warmth sa unang meeting pa lang. Kaya ang gaan kaagad ng loob namin sa isa’t isa.

This Christmas raw ay sa bahay nila Geoff sa BF Homes, Parañaque City magno-Noche Buena si Maya.

“He wants me to meet the whole Eigenmann clan. I’m nervous but excited at the same time kasi I will be able to meet everyone in his family,” ngiti pa niya.

Inamin ng singer na na-experience niyang ma-bash sa social media dahil siya ang naging girlfriend ng aktor.

Kinu-compare raw siya ng netizens sa ex-girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana.

Sey naman ni Maya ay hindi na lang daw niya pinatulan ang mga basher dahil masyado raw siyang busy at alam niyang hindi tama ang sumagot sa mga iyon.

“At first, medyo naapektuhan ako. Kasi wala naman akong ginagawang masama, pero biglang bina-bash ako.

“Never ko naman kinumpara ang sarili ko with Carla. Magkaiba kami talaga. It just so happened na dumating si Geoff sa buhay ko. And we clicked.

“Geoff has moved on and si Carla, nag-move on na rin siya,” pagtapos pa ni Maya. (RUEL J. MENDOZA)

comments