Home » News » News Roundup » Ina pinatay sa harap ng 2 anak

Ina pinatay sa harap ng 2 anak

Isang ginang ang binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang dalawang anak habang sila’y naglalakad patungong paaralan sa Port Area, Manila, kahapon ng umaga.

Namatay noon din ang biktimang si Nora Aciero, 47, residente ng 12th Street Port Area, dahil sa tama ng mga bala sa ulo at tiyan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad si Aciero kasama ang kanyang dalawang anak sa kahabaan ng Railroad Street bandang 5:30 a.m. nang biglang lumantad ang gunman at pagbabarilin siya.

Matapos ang pamamaril, naglakad lamang patungong 12th Street ang suspek na nasa edad 25 hanggang 30, may taas na 5’5”, at nakasuot ng pulang jacket na may hood.

Na-recover sa crime scene ang tatlong basyo ng bala at tingga mula sa .45-caliber pistol. (Analou de Vera)

comments