Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 sa 7 missing fishers natagpuang patay

2 sa 7 missing fishers natagpuang patay

LINGAYEN,Pangasinan — Dalawa sa pitong nawawalang mangingisda mula sa bayan ng Infanta sa Pangasinan ang natagpuang patay.

Ayon kay Charlito Maniago, barangay captain ng Cato, Infanta, ang mga naturang mangingisda ay pumalaot patungong West Philippine Sea sakay ng fishing boat John Paul noong Nobyembre para mangisda.

Hindi na sila lumitaw sa inaaasang araw ng kanilang pagbabalik noong Disyembre 2. Sinabi ni Maniago na naaagnas na ang mga bangkay ni Christopher Monje at Jan Jan Amor, ng Cato, Infanta, nang matagpuan.

“Nakita ang bangkay ng dalawa sa 90 miles dakong 11 ng Sabado at ngayon umaga ng Linggo ay nasa 40 miles pa lang sila.

Inaasahang gabi pa sila makarating kung walang makuhang rescue boat, at ordinaryong banca lang ang gamit ngayon ng mga tao ko,” sabi ni Maniago.

“Limang araw na ako humihingi ng tulong para hanapin ang mangingisda pero wala akong nakuhang tulong para i-rescue ang mga mangingisda, Tinawagan ko ang Coast Guard pero tatlong araw hangang limang araw walang response na makakuha ng rescue boat, at dahilan nila, mismong headuarters po daw wala pang response,” dagdag pa ni Maniago.
(Liezle Basa Iñigo)

comments