Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 patay sa motorbike-SUV crash

3 patay sa motorbike-SUV crash

MAGSINGAL, Ilocos Sur – Patay ang tatlong katao nang mabangga ng isang Montero SUV ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay Napo, Magsingal, Ilocos Sur, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Chief Inspector William Nerona, police spokesman, ang mga biktima na sina Rogelio Garduque, driver, at Rosemarie Garduque at Kyle Garduque, 8, backriders, mga residente ng Barangay Cabaroan.

Ayon kay Nerona, binabagtas ng mga biktima ang highway sakay ng motorsiklong walang plaka nang banggain sila ng humahagibis na white Montero (NQK 254) na minamaneho ni Mary Ronaly Palacpac Agati, 21,ng Barangay Balaleng Amianance, Bantay town.

Isinugod ang mga biktima sa Magsingal District Hospital ngunit idineklara silang dead on arrival. Dinala ang driver ng Montero sa police station para ma-imbestigahan. (Mar T. Supnad)

comments