Home » Entertainment » Jade Lopez not in a hurry to have a baby

Jade Lopez not in a hurry to have a baby

TANGING sina Jade Lopez at Sheena Halili na lang ang walang anak sa kanilang batch sa “Starstruck.”

Kabilang si Jade sa original “Starstruck” Batch 1 at may kanya-kanyang anak na sina Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte at Cristine Reyes.

Kuwento pa sa 28-year old actress, nag-usap daw sila kailan lang ni Sheena.

“Noong magkakuwentuhan kami ni Sheena, kami na lang palang dalawa sa batch namin ang walang anak.

“Lahat sila may mga babies na. Nakakainggit!

“Kaya tuwing magre-reunion kaming magkaka-batch, ang pinag-uusapan ay mga anak. Hindi kami maka-relate ni Sheena!

“Kaya kami, panay attend na lang namin ng binyag or birthday ng babies ng mga ka-batch namin! Waley pa kaming sariling baby kasi!” tawa pa ni Jade.

Pero may boyfriend si Jade at nine years na silang may relasyon. “His name is Rocky Diccion. I met him in school sa San Beda College. I finished my course there in B.S. Psychology.

“I met him through a common friend. Hindi niya alam na nagsu-showbiz ako.

“Later on na lang noong manligaw siya na nalaman niyang artista pala ako. Kasi may mga napapa-picture at humihingi ng autograph,” recall pa ni Jade.

Hindi pa raw nagpo-propose sa kanya ang boyfriend niya.

“Siya kasi ang nag-aasikaso ng family business nila.

“Wala namang pressure mula sa akin. Ang parents ko lang ang nagpe-pressure na mag-asawa ako dahil gusto na raw nilang magkaroon ng apo. Tumatanda na raw ako!

“Dalawa lang kasi kaming magkapatid at kahit yung kapatid ko, wala pa ring asawa’t anak.

“Sabi ko, ‘Sige, ako na mag-propose para mabigyan na kayo ng apo!’ sabay tawa pa niya.

Hindi naman daw nagmamadaling magka-baby si Jade dahil naniniwala siya sa pagdating ng tamang panahon.

“Siyempre pinag-iisipan naming mabuti ni Rocky ang lahat. Kailangan ready kaming pareho, mentally, emotionally, physically and financially.

“Para mag-work ang isang marriage, kailangan pareho kayong handa.

“Kaya I’m not in a rush. I still believe na may tamang panahon ang lahat,” pagtapos pa ni Jade na kasama sa cast ng Metro Manila Film Festival official entry na “Die Beautiful.” (RUEL J. MENDOZA)

comments