Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Kampanya vs ‘botcha’ pinaiigting

Kampanya vs ‘botcha’ pinaiigting

Dahil sa inaasahang pagtaas ng demand sa karne itong darating na kapaskuhan, hiniling ng isang Quezon City councilor sa city government na pag-ibayuhin pang lalo ang kampanya laban sa mga sindikatong patagong nagbebenta ng “double dead” meat or “botcha” sa mga palengke para ma-protektahan ang publiko sa mga nakakahawang sakit.

Nagpahayag ng pagka-alarma si Second District Councilor Victor Ferrer Jr. sa posibilidad na pagdagsa ng “hot meat’ sa mga palengke dahil sa pagtaas ng deman sa mga processed meats at mga kahalintulad na produkto na ihahanda sa holiday season.

Ayon sa kanya, nakatanggap ang kanyang opisina ng mga report na ibinebenta sa mga palengke sa Quezon City ang mga expired at walang label na hotdog, ham, tocino, tapa, frankfurter at ibang pang marinated meat product.
(Chito Chavez)

comments