Home » Entertainment » Pinoy Boyband Superstar wins ambassador search

Pinoy Boyband Superstar wins ambassador search

FEELING blessed ang Pinoy Boyband Superstar Top 12 finalist na si Markus Paterson. Hindi man kasi siya pinalad na mapabilang sa grand finals ng naturang reality-talent search ng ABS-CBN, malaking blessing naman ang dumating sa kanya nang siya ang tanghaling male grand winner sa sinalihan niyang BNY Search for the NextGen Ambassadors, na ginanap sa KIA Theater noong Dec. 4. Itinanghal namang female grand winner si Nicole Grimalt ng Rizal.

“The feeling is great. Honestly, I wasn’t expecting it kasi all the guys sa competition maraming guwapo, and maraming malalakas ang dating. So, I was blessed and really thankful that I’m in this position,” sabi ni Markus na taga-Pangasinan.

Malaking honor din daw sa kanya na mapabilang sa present roster ng celebrity ambassadors ng BNY na kinabibilangan nina Barbie Forteza, Jake Vargas, Michelle Vito, at Joshua Garcia.

Naging crowd favorite si Markus dahil sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao sa tuwing lumalabas siya para rumampa sa stage. Malaki raw ang naitulong nito sa kanya.

“Yeah, it helped boost my confidence seeing my fans and supporters. I love all my supporters. It motivates me to perform for them.”

Sa tingin ba niya’y nakatulong din na naging finalist siya ng Pinoy Boyband Superstar dahil nagkaroon na siya ng fan groups na sumuporta rin sa kanya sa search? “Yeah, I think Pinoy Boyband kinda exposed me to the market of the Philippines, so I gotta thank them.”

Ano na ang next move niya pagkatapos niyang manalo sa search? “Next move? I’m just hoping to improve myself. Of course, I’m expecting different activities with BNY. And also I’m working on some new music. So, abangan niyo na lang po iyon.”

Handa na rin ba siyang pasukin ang showbiz as a singer and actor? “If opportunities will come, I will be delighted to accept it.” (GLEN P. SIBONGA)

comments