Home » Headlines » P7-M reward sa drug informers

P7-M reward sa drug informers

Ibinigay kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may kabuuang R7,116,911.50 halaga ng pabuya sa 13 civilians na nakapagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng drug personalities at pagkakakumpiska ng illegal drugs.

Sa simpleng seremonya sa PDEA National Headquarters in Quezon City, pinarangalan ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang mga informants na kinilala lamang sa kanilang codenames: Kalbo, Master, June, Agi, Boy, Dexter, Chad, Hero, D1, Butterfly, Toni, Sierra Oscar at Mike dahil sa napakahalagang tulong nila sa PDEA Operation:

Private Eye.

Sa mga napiling informants, sina “Kalbo” at “Master” ang tumanggap ng pinamalaking reward na P2,000,000 bawat isa. (Chito Chavez)

comments