Home » Entertainment » Jennylyn pairing with new Kapuso hunk in Koreanovela remake

Jennylyn pairing with new Kapuso hunk in Koreanovela remake

14jennylyn-and-gil-copy-copy

ANG model-turned-actor na si Gil Cuerva ang napiling leading man ni Jennylyn Mercado sa local adaptation ng hit Koreanovelang “My Love from the Star.”

Pinagbidahan ng mga sikat na Korean stars na sina Kim Soo-hyun as Matteo Do at Jun Ji-hyun as Steffi Cheon ang “My Love from the Star.”

Sa 2017 na maipapalabas ng Kapuso network ang remake na ito at excited na raw si Jennylyn na makatrabaho ang kanyang bagong leading man.

Noong unang lumabas ang plano na gawan ng local version ng GMA-7 ang “My Love from the Star,” ang nababalitang gaganap sa role na Matteo Do ay si Alden Richards.

Pero maraming fans ni Alden ang nag-react at hindi raw nila panonoorin ang naturang teleserye dahil gusto nilang si Maine Mendoza lang ang makaka-partner ni Alden.

Maraming names ang lumabas na puwedeng i-partner kay Jennylyn tulad ni Ken Chan, Jak Roberto, Mark Herras at Dennis Trillo.

Pero natapos na ang search for Matteo Do at isang baguhan na model-actor ang napili nila na nagngangalang Gil Cuerva.

“It was also surprising because it was something unexpected.

“Nasa Hong Kong po ako nun when I received the e-mail from my management to audition for this role.

“Nagkataon, I was really going to come back kasi I was gonna fix some papers for my school saka for my visa.

“Pupunta rin dapat ako ng Thailand but sabi ko, ‘I might as well audition, malay mo makuha ako.’ And lo and behold, nakuha ko,” masayang pahayag ni Gil.

Gagampanan ni Gil ang role na Matteo Do, isang alien na tumira sa ating mundo for 400 years hanggang sa makilala niya ang kanyang kapitbahay na isang model named Steffi Cheon at na-in love siya rito.

Si Bb. Joyce Bernal ang magdidirek ng “My Love from the Star” at excited na rin siya sa tambalang Jennylyn at Gil.
(Ruel J. Mendoza)

comments