Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Maagang pamasko sa PWDs

Maagang pamasko sa PWDs

BATANGAS (PIA) – Humigit-kumulang 200 persons with disabilities (PWDs) ang nabigyan ng maagang papasko ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng special film screening sa SM City Batangas.

Ayon kay Sally Corollo, vice president ng PWD Association of Batangas City, malaki ang pasasalamat ng kanilang samahan dahil sa isang maganda at maagang pamasko ito para sa kanila.

Kabilang rin sa nabigyan ng libreng sine ang mga estudyante ng Special Education (SPED) kasama ang kanilang mga magulang at guardians.

comments