Home » News » News Roundup » Pulis dedo sa motorbike accident

Pulis dedo sa motorbike accident

Patay ang isang pulis nang tumilapon mula sa kanyang minamanehong motorsiklo matapos itong bumangga sa isang nakaparadang pedicab sa Taguig City noong Lunes.

Binawian ng buhay si PO1 Rafael Nicdao, 23, ng No. 2908E Patricio St., Phase 5, Barangay Lower Bicutan, habang ginagamot sa Rizal Medical Center dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Binabagtas ni Nicdao, miyembro ng Taguig Police Community Precinct, ang kahabaan ng ML Quezon Avenue sa Barangay New Lower Bicutan bandang 2:15 a.m. nang maganap ang aksidente. (Martin A. Sadongdong)

comments