Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » AlDub teleserye sa 2017

AlDub teleserye sa 2017

alden-maine-2-copy-copy

AS promised, tinupad ng GMA7 na igagawa ng teleserye sina Alden Richards at Maine Mendoza. Titled “Destined to Be Yours,” isa ito sa mga offering ng Kapuso Network sa early part ng 2017.

Nag-story conference na at kasama sa cast sina Janice de Belen (na balik-GMA), Inah Feleo, Gardo Versoza, Lotlot de Leon, Sheena Halili, Boots Anson-Rodrigo at ang “Starstruck 6” finalist na si Koreen Medina na magiging third wheel sa love story nina Alden at Maine.

Rich city boy na isang architect ang role ni Alden na mai-in love sa poor probinsiyanang si Maine na isang radio DJ at environmentalist.

By the way, dalawa na ang restaurant ni Alden, ang Concha’s Garden sa Tagaytay at ang branch nito sa Tomas Morato, QC. Kamakailan ay ginanap ang blessing nito.

Susunod na business ni Alden ay gasolinahan naman. Na-influence kaya siya ni Maine na ang pamilya ay nagmamay-ari ng mga gasoline station sa Bulacan?

Balik-GMA

Ngayong balik-GMA si Janice de Belen, wish ng televiewers na pagsamahin sila ng anak niyang si Inah de Belen sa isang teleserye. Katatapos lang ni Inah ng “Oh, My Mama.” Good idea kung mapapanood ang mag-ina sa isang GMA show.

Walang network contract si Janice, kaya pwede siyang lumabas sa alinmang network. Huli siyang napanood sa “Be My Lady” sa ABS-CBN and soon, mapapanood naman siya sa GMA kung saan gaganap siya bilang ina ni Maine Mendoza sa “Destined to Be Yours.”

May request naman ang Kapuso viewers na pagsamahin ang ex-sweethearts na sina Janice at Gabby Concepcion sa isang teleserye. Why not?

Fan boy

Matindi pa rin ang appeal ni Gabby Concepcion maski sa co-actors niya. Wala pa rin siyang kupas kahit golden boy na siya.

Sa ginanap na Christmas party ng GMA, ang daming Kapuso stars ang nagpa-picture taking with Gabby. Isa na si Benjamin Alves na nagpaka-fan boy. Aniya, idol niya si Gabby, kaya sinamantala niya ang pagkakataong makapagpakuha ng picture sa hinahangaan niyang aktor.

“Tito was all smiles and full of energy for each Kapuso wanting a photo with him,” ani Benjamin.

Recipient

Ginawaran si Sanya Lopez bilang Huwarang Artista sa mga Kabataan 2016 ng 3rd Inding-Indie Film Festival sa pagganap niya bilang sang’gre Danaya sa “Encantadia.”

Recipient din si Sanya ng German Moreno Youth Achievement Award sa katatapos na FAMAS Awards Night. Congratulations!

Samantala, inaabangan ang pagsasanib-puwersa nina Danaya at Danaya Sari (Diana Zubiri) sa “Encantadia.”

comments