Home » Entertainment » Alden turns businessman

Alden turns businessman

17alden-copy-copy

HINDI malilimutan ni Pambansang Bae Alden Richards ang petsang Dec. 9, 2016 dahil ito ang araw ng pagbubukas ng kanyang ikalawang restaurant na Concha’s Garden Café sa Tomas Morato, Quezon City.

Nagsidalo sa opening ng resto ni Alden ay ang mga GMA Network Executives tulad nila VP for Drama Redgie A. Magno at GMA Artist Center SAVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara.

Namataan din sa blessing ng restaurant ni Alden ang mga co-star niya sa “Tween Hearts” na sina Joyce Ching at Kristoffer Martin na mga bida ng GMA afternoon teleseryeng “Hahamakin ang Lahat.”

Nandoon din para magbigay ng suporta ang dabarkads niya sa “Eat Bulaga” na sina Taki, Bae-by Baste at Aicelle Santos na dumating kasama ang boyfriend at ang GMA News Correspondent na si Mark Zambrano.

Ayon kay Alden, naging abala na rin siya sa negosyo bilang pagha-handa sa future.

“Ako kasi I really believe in the unknown, ’yung mga unfortunate events that are yet to come.

“So, I really use the utilities and the things I have to the most I can to my advantage.

“When the time comes na talagang… you will never know kasi what will happen in the future, so I really want to secure it, that’s why I am very aggressive when it comes to doing this, putting up businesses.”

Ni-reveal din ni Alden ang dahilan kung bakit niya naisipang pasukin ang food business at anu-ano pang mga negosyo ang plano niyang pasukin.

“Everyone is always hungry. Ang constant sa mga tao is food, clothing and petroleum.

“So ‘yun ‘yung top three na nasa utak ko ngayon na I want to put up.

“So after this, hopefully pag nabawi ko si Concha’s Q.C., I’ll put up a gas station after this,” pagtapos pa ni Alden Richards. (RUEL J. MENDOZA)

comments