Home » Entertainment » Ogie sitting as judge on ‘Your Face Sounds Familiar Kids’

Ogie sitting as judge on ‘Your Face Sounds Familiar Kids’

By GLEN P. SIBONGA

ogie-alcasidBALIK-Kapamilya na si Ogie Alcasid at kaagad siyang sumabak sa trabaho sa mga show ng ABS-CBN. Matapos niyang umupo bilang bagong hurado sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime,” magiging judge din siya sa “Your Face Sounds Familiar Kids,” na magsisi-mulang umere sa Jan. 7, 2017.

“Super excited at grabe ang energy ko, para akong nagkape ng madami,” biro ni Ogie. “I’m very, very excited, it feels good. Yung mga dati kong nakikita noong araw nung nagsisimula pa lang ako sa TV ay nakikita ko na ulit. Super excited especially dahil mayroon tayong bagong TV show. So, ang ganda ng salubong ng 2017.”

Makakasama ni Ogie bilang mga hurado sa “Your Face Sounds Familiar Kids” sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Megastar Sharon Cuneta. Ano ang nilu-look forward ni Ogie sa pakikipagtrabaho kina Gary at Sharon?

“Alam mo, kumpare ko si Gary at si Sharon naman ay very, very good friend ko, so it’s like nakikipagtsismisan lang ako sa mga kaibigan ko. But at the same time, you know, working with people as good as they are and as gifted as they are, it rubs off on you e. So, you’re in good company kumbaga, and I look forward to working with them finally.”

What’s best about Sharon and Gary? “Wow! What’s best about them? Themselves, they’re really great people. Gary, noong nagsisimula ako, was already the Gary V. na iniidolo ko. But you know, he became a good friend, naging kumpare ko, and he still remains the same generous, kind person that he is. I admire him most as a parent, kita mo naman him as a father and as a husband to Angeli. They are a great family, the Valencianos, the Pangilinans.

“And it just so happens na si Sharon ay kanyang kamag-anak din. What can I say about Sharon Cuneta? She is just a wonderful person. What you see is what you get. She will never hide her emotions from you. She will never lie to you, in other words. In her heart, she really cares about people, she really cared about me.

“In fact, noong isang gabi nagkita kami sa Christmas Special (ng ABS-CBN), niyakap niya ako. Nagkasama kami sa TV5, so it was nice to see her again. Great people, great friends, treasures natin iyan,” ani Ogie.

Malapit nang mapanood sina Ogie, Gary, at Sharon sa “Your Face Sounds Familiar Kids,” kung saan hahatulan nila ang live performances ng celebrity kids na sina Alonzo Muhlach, “The Voice Kids” Seasons 1 at 2 champions na sina Lyca Gairanod at Elha Nympha, “The Voice Kids” artist na si Justin Alva, Yey! channel host na si Sam Shoaf, Xia Vigor ng “Langit Lupa,” Awra Briguela ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at ang “Dance Kids” champion na si AC Bonifacio ng Lucky Aces.

comments