Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Uge may forever na

Uge may forever na

18uge-copy-copy

MAY lovelife na rin si Eugene Domingo. Aniya sa presscon ng “Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough,” sobrang in love siya ngayon sa kanyang Italian boyfriend named Danilo.

“I found my forever! And forever is not enough,” nagniningning ang mga matang sabi ng komedyana.

Nasa 50 something ang edad ng kanyang BF, 40 something naman si Eugene. Nagkakilala sila sa Udine Film Festival noong ginawa ni Eugene ang “Barber’s Tale,” two years ago. Writer si Danilo sa isang film website at ininterbyu niya si Eugene.

Since then, naging chatmates sila, nagkaligawan at naging officially together last July this year. Ani Eugene, every now and then ay nagpupunta siya sa Italy para dalawin ang kanyang BF. Hopefully, next year ay makapunta ito sa Pilipinas.

Samantala, excited si Eugene sa “Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough,” entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival. Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB) at R-PG ng MTRCB.

Ani Eugene, umiyak siya noong nakapasok ang ABSST2 sa MMFF. Magandang gift daw ito sa kanyang comeback movie. Si Jericho Rosales ang kanyang leading man at first time silang nagkatrabaho.

May kissing scene ba sila? “Hindi ako papayag na hindi siya mamolestiya (laughs),” ani Eugene.

Mapusong Christmas party

Sa Christmas party ng GMA7 for the press, ipinagmalaki ng chairman at COO (chief operating officer) na si Atty. Felipe Gozon na Number One na ang Kapuso Network. Pinasalamatan niya ang press sa patuloy na pagsuporta sa network.

Masaya, mapuso ang Christmas party na dinaluhan din ng iba pang GMA executives and officers tulad nina Ms. Lilybeth Rasonable, Mike Enriquez, Gigi Santiago, Angel Javier-Cruz, Jojo Aquio at buong PR group ng entertainment department.

Hosts ng event sina Chynna Ortaleza-Cipriano, Nar Cabico at Valentin. Bumati ang ilang Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Rafa Siguion-Reyna, Bruno Gabriel, Koreen Medina, Yuan “Pao Pao” Francisco, among others.

Kumanta ang T.O.P. Project at One Up boy bands. May parlor games at siyempre, exciting raffle. Walang “luhaan” at everybody happy.

And more

Last episode this Sunday ng “Relationship Goals” para sa “Usapang Real Love.” Abangan ang nakakakilig, nakakatuwang kaganapan sa mga bidang sina Aljur Abrenica (Kiso) at Janine Gutierrez (Yapi). Tutok lang at 5 p.m. sa GMA.

Bukas na mapapanood sa GMA at 8 a.m. via delayed telecast ang Miss World 2016 Coronation Night, hosted by Megan Young.

comments