Home » News » Headlines » 1 patay, 70 pamilya nawalan ng tahanan sa Malabon fire

1 patay, 70 pamilya nawalan ng tahanan sa Malabon fire

Isang stroke victim ang nasawi habang 70 pamilya naman ang nawalan ng tahanan nang sumkilab ang sunog sa isang slum area sa Malabon City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Fire Officer 2 Erick Belecario, case investigator, ang namatay na si Exekiel Cantil Sr., 63.

Base sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog bandang 12:42 p.m. at kinain ng apoy ang 45 barong-barong sa Sitio Gulayan, Barangay Concepcion, Malabon.

Ayon kay Belecario, nakaratay noon kama si Cantil nang sumiklab ang sunog.

Sinabi ng mga kasahaman ng biktima na tinangka nilang iligtas ang matanda ngunit hindi nila siya nabuhat dahil sa sobrang bigat, kaya’t napilitan silang iwanan siya sa loob ng kanyang barong-barong.

Natagpuang patay si Cantil matapos maapula ang apoy bandang 2:56 p.m..

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog. (Jel Santos)

comments