Home » Sports » 3 tanso kay Macrohon

3 tanso kay Macrohon

Patuloy na nagpapamalas ng kahusayan ang mga batang weightlifter sa bansa matapos na muling mag-uwi ng tatlong tansong medalya si Kristel Iso Macrohon sa paglahok nito sa 4th Qatar International Cup and 2016 Asian Cup at the Doha Intercontinental Hotel noong Biyernes sa Doha City, Qatar.

Binuhat ng 20-anyos na si Macrohon, na mula sa Pasobolong, Zamboanga City, ang mabigat na 80kg. sa snatch, bago isinunod ang 110kg. sa clean and jerk para sa kabuuang lift na 190kg. sa women’s +75kg. category.

Napunta ang gintong medalya sa Kazakhstan habang pilak sa Iran.

Ang tatlong tanso ay pinakauna ni Macrohon, na estudyante sa Zamboanga Institute of Aviation and Technology (ZIAT) at nagsasanay sa Universidad de Zamboanga Weightlifting Training Center, sa paglahok nito sa internasyonal na torneo. (Angie Oredo)

comments