Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pagsemento sa main roads ng Aurora, tiniyak

Pagsemento sa main roads ng Aurora, tiniyak

BALER, Aurora (PIA) – Tiniyak ng Department of Public Works and Highways Aurora District Engineering Office na matatapos masementuhan ang lahat ng pambansang lansangan sa lalawigan bago matapos ang 2016.

Ayon kay District Engineer Reynaldo Alconsel, on target silang makumpleto ang proyekto kahit pa binayo ng malakas na bagyo ang probinsya ngayong taon.

Dagdag pa ni Alconsel na halos dalawang posyento na lamang ang kanilang tinatapos ngayon.

Kabilang sa mga sementado na yung patungo ng hilagang Aurora na binubuo ng mga bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag.

comments