Home » Headlines » Parak hunted dahil sa indiscriminate firing

Parak hunted dahil sa indiscriminate firing

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang parak na nagpaputok ng baril sa kanilang lugar sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng police ang suspek na si PO1 Ronel Pantig, nakatalaga sa Pasig City Police Station.

Wala namang nasaktan sa insidente na nai-record ng closed circuit television (CCTV) camera, ngunit nagreklamo ang kapitbahay na si Anthony Tan dahil pumasok ang ligaw na bala sa kanyang kuwarto sa second floor at tinamaan ang isang electric fan bago ito lumabas sa pintuan.

Base sa police report, nakita sa CCTV footage na dumating si Pantig kasama ang kaniyang girlfriend sakay ng motorsiklo sa kanto ng A. Rivera at La Torre Streets at biglang nagpaputok na baril. Mabilis na tumakas ang pulis matapos ang insidente.

Na-recover sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo at slug ng 9mm pistol. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments