Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Arci, Coleen, Jessy ala Charlie’s Angels

Arci, Coleen, Jessy ala Charlie’s Angels

arci-2-copy-copy

MALA-“Charlie’s Angels” ang peg ni direk Chris Martinez sa “Extra-Service,” starring Coleen Garcia, Jessy Mendiola, and Arci Muñoz. Secret agents ang kanilang roles na aksiyun-aksiyunan ang tatlong aktres.

Nag-training sila para sa kanilang fight scenes. Ani direk Chris, mas maganda ang “Extra Service” sa “Charlie’s Angels.” Challenge sa tatlong aktres ang action-comedy-adventure movie. Ex-convicts ang mga ito na may kanya-kanyang kaso kung bakit nakulong.

Mga masahista sila sa umaga at sexy secret agents sa gabi. Love interests nila sina Enzo Pineda for Jessy, Vin Abrenica for Coleen at Ejay Falcon for Arci. Kung ano ang extra service na tinutukoy, watch n’yo ang movie na opening salvo ng Star Cinema at Skylight Films sa 2017.

Tribute

Nagmistulang tribute kay direk Chris Martinez ang mga papuri ng kanyang mga artista sa “Extra Service” noong presscon. Lahat sila’y nagsabing masarap, magaan katrabaho ang direktor. Sobrang bait daw at never nagalit.

Happy set sila dahil gusto ni direk Chris ay everybody happy. Ayaw niyang may sumisigaw. Cool lang siya.

Ano’ng masasabi ni direk sa mga papuri sa kanyang mga artista? “Totoo naman lahat ’yun (laughs),” he said in jest.

Showing sa Jan. 11 ang “Extra Service” nationwide.

Ayaw

Tumangging magsalita si Biboy Ramirez sa isyung tinanggal si Nora Aunor sa “Oro.” ’Yun ang sinabi ng superstar na aniya, nakapag-shoot na siya ng ilang eksena sa Bicol. Pero hindi na siya pinabalik. Pinalitan siya ni Irma Adlawan.

“May kaunti akong nalalaman. Pero wala ako sa posisyon para magsalita sa totoong nangyari. Ang producer namin at director ang nararapat magsalita,” wika ni Biboy nang nakausap naming sa presscon ng “Oro,” entry sa Metro Manila Film Festival.

Base ito sa isang true-to-life story na nangyari in 2014 sa Bgy. Gata, Caramoan, Camarines Sur. Advocacy film ito, ayon kay Biboy na gumanap bilang isang minero na pinatay, kasama ang tatlo pa niyang kasama.

Ang kanilang death scene ay kinunan sa mismong lugar na pinangyarihan ng krimen. Ani Biboy, bago sila mag-take, may kababalaghang nangyari. Hatinggabina ’yun at sampung beses ayaw gumana ang generator. Kinilabutan sila, kaya sabay-sabay silang nagdasal. Pagkatapos, gumana na ang generator.

Si Biboy ang ex-boyfriend ni Vaness del Moral na gumaganap bilang Gurna sa “Encantadia.” They broke-up four years ago and since then, wala na silang communication. May non-showbiz girlfriend ngayon si Biboy. Sa pagkaalam nami’y, may non-showbiz boyfriend naman si Vaness.

comments