Home » Entertainment » Iza loves playing ‘kontrabida’

Iza loves playing ‘kontrabida’

22iza-calzado-copy-copy

HINDI raw masisisi ni Iza Calzado ang ilang mga taong humusga agad na kontrabida ang role niya matapos ipalabas ang trailer ng “A Love to Last,” ang kinabibilangan niyang upcoming teleserye ng ABS-CBN sa January 2017. Hindi naman daw siya sinabihan ng production na kontrabida ang role niya.

“Okay lang, e kasi nakapula,” biro ni Iza. “Tapos ex-wife, di ba? So, they have to watch it first. Kasi dito hindi ako evil. Kasi ang kontrabida, evil ang motivation. Ang motivation ko rito is my personal issues, my struggles. Nung pinitch sa akin yung role and yung story, hindi ako kontrabida e.”

Pero kung sakali mang sa takbo ng istorya ay maging kontrabida nga siya, wala raw itong problema kay Iza. “Honestly, if I’m going to be a kontrabida, I’ll thoroughly enjoy it. Because it’s about time also that I break the mold of Mama Mary,” biro ulit ni Iza.

Sa pelikula kasing “Starting Over Again” (2014), kung saan kasama ni Iza sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ay nakilala ang character niyang si Patty bilang kamukha ni Mama Mary.

Masaya lang si Iza na napasama siya sa cast ng “A Love to Last” at nagkaroon ulit siya ng regular teleserye sa ABS-CBN. Matagal na raw kasi ang huling teleseryeng ginawa niya.

“After ‘Hawak Kamay’ (2014) eto na yung next ko. Medyo natagalan din bago nasundan. Actually, may mga inalok pero hindi lang nagtugma sa schedule. We were probably waiting also for the right one. And this came along, ‘A Love to Last,’ it’s perfect. But I also did ‘Ang Probinsyano,’ guesting lang. Yun lang, other than that wala nang major teleserye na dumating,” ani Iza.

Kasama ni Iza sa “A Love to Last” sina Ian Veneracion at Bea Alonzo. Ilang beses nang nakatrabaho ni Iza si Ian, habang si Bea naman ay first time niyang makasama sa proyekto.

What’s best about Ian? “The best thing about Ian is that we are friends. He is a confidante, he is trustworthy. We’ve known each other for a long time. I think what’s best is when I look at him we have a connection. Every time I work with him, I know we can make the scene really well, we help each other out. Kampante ako with him.”

How about with Bea? “With Bea, ang masasabi ko lang right now for a star of her stature she’s very humble. She is an excellent actress. She’s smart. She is sensitive. I’m pretty sure she’s very generous, so I can’t wait really to work with her.”

Sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives at sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Richard Arellano, ang “A Love to Last” ay eere simula sa Jan. 9, 2017 sa ABS-CBN. (GLEN P. SIBONGA)

comments