Home » Sports » Basketball » Ateneo kampeon sa Hong Kong

Ateneo kampeon sa Hong Kong

Ipinadama ng Ateneo De Manila Blue Batters ang matinding determinasyon para makapaghigante sa susunod nitong kampanya sa UAAP baseball matapos sungkitin ang korona sa Hong Kong International Baseball Open sa tulong ng come-from-behind na 7-6 panalo kontra Hong Kong Red na naganap sa Sai Tso Wan Baseball Field Martes.

Bumangon ang Blue Eagles mula sa maagang paghahabol sa 1-6 iskor upang tanghaling kampeon kontra sa host na binubuo ng mga national team members at kumpeltuhin ang perpektong kampanya sa apat na araw na torneo.

Iniuwi ni Dino Altomonte ang tournament MVP honors habang si Renzo Ramos ang tinanghal sa mahirap makamit na titulo bilang Most Stolen Bases. Si Ateneo mentor Randy Dizer ang kinilala bilang Best coach.

Sinimulan ng Eagles ang kanilang kampanya sa 23-1 pagpapabagsak sa Chinese-Taipei sa loob ng limang innings bago sinundan ng 12-1 panalo kontra nakaraang kampeon na Hong Kong Blue para mawalis ang dalawang laro nito sa napuntahan na Group A.

Sunod na binigo ng Ateneo sa paghugot ng 8-5 panalo sa semifinals ang Hong Kong Typhoons, na katulad din sa come-from-behind na pagwawagi upang tumuntong sa kampeonato.

Tatlong beses naging UAAP champion, asam ng Ateneo na mabawi ang korona na nabitawan nito kontra La Salle sa kaagahan ng buwan ngayong taon dahil sa kawalan nina Dio Remollo at Johnny Altomonte. (Angie Oredo)

comments